Transcript of Interview re Estrada pardon
www.richardgordon.blogspot.com
Transcript of Sen GORDON’S presscon
26 October 2007
Senate Press Room
INTERVIEWER: Sir, reaction sa Erap pardon?
SEN
GORDON: Nakakalungkot. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko. I am
revolted by the whole scenario. Talagang may pardon power ang
presidente pero itong pagkakataong ito ay ngayon lang tayo nakahuli ng
isang pinakamataas na tao sa bansa at talagang malinaw na convicted
siya ng tatlong mahistrado. Hindi pa nga nakapasok sa selda eh preso
cavaliero all the way. Mayroon siyang tv doon, nakapaglilwaliw siya
doon at mayroon siyang golf cart. Hindi parusa yun. Hindi napunish. I’m
not asking for punishment because I don’t like him, I am revolted
because the law has been mediocretized or trivialized. Balewala na at
ang itinuturo nito sa mga tao natin lalo na sa mga bata ay pwede pa
lang magnakaw at kapag malaking tao ka ay pwede nang makaligtas sa mga
sintensya na dapat ibigay sa iyong parusa. Nakakalungkot at may balik
ito sapagkat lumalabas na dalawang pangulo ang nag-usap dito na pareho
seguro silang looking for survival on their own. Yan ang problema natin
dito and of course ang mangyayari dito sa banding huli ay pagtatawanan
tayo ng buong mundo.
Yung dalawang presidente ng Korea ay umamin
at umiyak pa sa harap ng madla. Binigyang ng karampatang kaparusahan na
dalawang taon bago pinardon. Ako sana kahit na papaano kahit isang taon
lang.
Nakakalungkot yan sapagkat natalo ang tao dito. People are
hungry for justice. They were robbed. Hindi sila napagbigyan. They were
not given justice.
INTERVIEWER: Pero, can not be challenged yung pardon?
SEN.
GORDON: That is why may pananagutan. When you execute a pardon or
executive clemency, you are responsible for it. Hindi porke poder mo
yan ay pwede mong gawin. Hindi justified yan lalo na’t malinaw dito na
talagang hindi nabigyan ng karampatang pagkakataon yun anim na taong
pinaghirapan ng gobyerno, pinaghirapan ng mga prosecutor na magbuo ng
kaso. Alam naman natin dito na napakahirap mag-prosecute ng isang
criminal. Nararamdaman ko ito sapagkat ang tatay ko noong araw, nang
mahuili yung pumatay sa kanya kinumute (commute) ni Mr. Marcos yung
sentence from death to life. I can feel it at ganuun na naman dito.
Parang ang taumbayan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng
talagang hustisya.
INTERVIEWER: Ang timing, ang sabi nila
hindi naman talaga kahapon sdchedule ilabas yun pardon pero inilabas
kahapon para matabunan yun ZTE kung saan idinawit ni Joey de Venecia si
Pangulong Arroyo?
SEN. GORDON: It doesn’t matter kung ano ang
timing. Sa akin mali ang ginawa. Period. At lalong nagiging mali
sapagkat pwedeng sabihin nga na yung timing ay tama. Pero hindi dapat
isinusukli yung pardon para yung tao ay maiwan na holding the empty
bag. Kung ikaw ay mahirap, paano ko sasabihin na mayroon pang pwedeng
makulong na malaking tao?
INTERVIEWER: Nagdusa na raw po ng 6 na taon?
SEN.
GORDON: Nagdusa naba yun? Si Fujimori, hinuli siya. Dinala siya sa
kulungan, sa police camp. Nagdusa din yung mga tao na gustong ipaglaban
ang katarungan. Nagdusa din ang tao na nawalan. Ngayon, ubos na pala
yung pera doon sa forfeiture, hindi na bale yung pera pero yung
prinsipyo natin ang nawawala. This weakens the moral fabric of our
country. Hindi ko talaga matanggap dahil sayang ang pagkakataon. Sa
Senado ako lang ang nagsasalita laban sa pardon na yan.
You know
President Gloria Macapagal Arroyo disgraced her position. Sayang ang
pagkakataon ni Presidente Arroyo na ipakita niya na ang legacy niya ay
isang legacy ng katarungan. Sayang din ang pagkakataon ni Presidente
Estrada na sinasabi niya na hindi niya tatanggapin ang pardon.
Bumaligtad. Parang mga politico natin, baligtad ng baligtad sa posisyon.
INTERVIEWER: Political survival kaya nagiging justifiable…?
SEN.
GORDON: No. As President, you took an oath to uphold the law. Sure,
pardon is your power. Use your power to benefit the people. You do not
use your power to make yourself survive.
The presidency is the
best gif the people can give. Binigyan si Erap nito ng tao at yung
pagtitiwala ng tao. Sinira niya yung tiwala ng tao sa kanya kaya siya
naparusahan. Pinaglaban ng 6 na taon yan. Ngayon ang pangulo naman
natin (Gloria) ay pinagtiwalaan rin pero tila hindi marunong mag-sukli
ng tiwala ang mga lider natin. Yun ang nakakasakit.
Hanggang
hindi tayo naninindigan at magkaroon ng pagkakataon na makita ng tao na
walang exempted ay wala tayong katarungan sa bayan. This is a game
changer. Talagang para akong nawalan ng pag-asa sa katarungan. Tatlong
mahistrado iyan at hindi basta mahistrado yan. Pinaghirapan yan. Ano
yan, laro lang? Okey na? Eh di palabasin natin lahat yung mga taong
nasa kulungan lalo na yung mga maykaya.
INTERVIEWER: Pero, is it not the judgment of history everytime your name is mentioned – Estrada, convicted for plunder?
SEN.
GORDON: Wala yan, That is for history but in the meantime, the people
are hungry for justice. Gutom ang tao sa katarungan. I call it a game
changer because it will perpetuate division in this country because
talagang alam ng tao na guilty si Erap.
Ang thinking ko ay
talagang fighting for survival sila ni Speaker De Venecia ngayon.
Kakampi niya (Gloria) si Erap seguro ngayon. Si Joe De Venecia hahanap
ng bagong kakampi.
INTERVIEWER: Pinili niya si Erap over….?
SEN.
GORDON: Pinila niya ang mag-survive rather than be right, rather than
be just. It’s not even a question of mercy. It’s a question of survival
sa kanya. It is a transactional leadership at its purest form.
INTERVIEWER: Sir, nasa survival state po ba si Gloria samantalang…?
SEN.
GORDON: Hindi ko maaalis yung perception na yan. Sunod-sunod ang
eskandalo kaya iyan ang nangyari. Ang problema we are left without
choices kaya wala rin options and mga tao. Kaya dapat matuto na ang tao
dito. Hindi natin naisara, nagbukas pa lalo ng malaking gulo.
Pagkatapos ng barangay election ay puputok uli ‘yan.
INTERVIEWER: Si Mayor Sanchez pag-umabot 70 pwedeng i-pardon?
SEN.
GORDON: Ang totoo yan talaga naman pwedeng i-pardon pag 70 years old.
In fairness, mayroon naman yan sa batas para sa pangulo. That is why I
am not questioning her right to pardon but I am questioning her
responsibility. Hindi niya ginamit yung authority properly. Sundin mo
na lang precedent ng ibang bansa gaya ng Korea. Si Tanaka ng Japan,
convicted sa lower court, convicted sa appeals, namatay lang sa Supreme
court pero iko-convict yan. Si Fujimori hinuli at kinulong. Nakakulong
hindi sa bahay niya. Pumunta naman kayo sa Tanay, nakita naman ninyo
ang laki ng bakuran. Yun ba’y kulungan? Hindi naman kulungan yan? Bakit
yung preso pag kinulong mo may selda. Si Sen. Enrile kinulong sa selda.
Si Ninoy kinulong sa selda. Si Rizal kinulong sa selda.
Hindi si
Erap ang isyu, it’s justice. Marami tayong pagkukulang pati tao dito
nagkulang. Bumoboto tayo ng mali. Hindi na tayo natuto.
END
November 16th, 2007 at 6:33 pm
it really make me sick na ang mga politician eh karamihan dahil sikat lang o artista naiboboto.katulad nyan si estrada,bakit naging presedente yan,ano ba ang alam nyan,ayan magnakaw.kaya dapat ang mga tao dapat kilalanin nyo muna ang history ng mga binoboto ninyo or else kayo ang talo.